Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA

BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa na namang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA Forecaster Chris Perez, inaasahang papasok sa bansa ang LPA sa Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw ang naturang sama ng panahon.

Gayunman, malabong maging bagyo ang panibagong sama ng panahon pero posible rin aniyang hindi tumama sa kalupaan ang nabanggit na weather disturbance.

Sa kabila nito, asahan na ang bahagyang pagbuti ng panahon sa Metro Manila subalit posibleng makaranas pa rin ng ulan sa susunod na tatlong araw.

Gayunman, hindi ito magiging kasinlakas ng ulan na naranasan sa
nakalipas na tatlong araw dahil lumayo na sa bansa ang bagyo na may international name na Haikui na nagpa-ibayo sa Hanging Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply