Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panibagong namumuong Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ng PAGASA ang nasabing LPA sa layong 700 kilometro sa Silangan ng Mindanao.

Sinabi ng PAGASA sa kanilang weather advisory na bagama’t nasa Mindanao ang sama ng panahon, maaari pa rin makaranas ng maulap na may malawakang pag-ulan ang Kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon at maging ang Visayas dahil sa hanging Habagat.

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga maglalayag dahil sa magiging katamtaman hanggang sa maalon ang sea boards ng bansa

Ayon sa PAGASA, inaasahan ang pagtama sa lupa ng mga bagong bagyong bunga ng kawalan ng high pressure area na tutulak sa mga bagyo patungong Hilaga bago pa ito tumama sa kalupaan ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply