Panibagong LPA, namataan ng PAGASA

INIULAT ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA ) na nananatili pa rin ang masamang lagay ng panahon sa kabila ng paglisan sa bansa ng bagyong Gener.

Ang sama ng panahon ay dulot ng southwest monsoon o habagat na makaaapekto sa Luzon at kanlurang-Kabisayaan.

Ayon sa pagtataya ng PAGASA, ang Luzon at kanlurang-Kabisayaan ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagulan at pagkidlat-pagkulog na magiging maulap na may malawakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon pa sa PAGASA, mayroon na namang panibagong low pressure area (LPA) na namataan sa layong 1,850 km Silangan Hilagang-silangan ng Basco, Batanes na posibleng pumasok sa bansa bukas ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply