Papalit kay Robredo pinag-iisipan na ni PNoy

PINAG-IISIPAN na ni Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang ipapalit niya sa namayapang Interior ad Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na sa kabila ng pagiging abala ni Pangulong Aquino ay pinag-iisipan na nitong mabuti ang karapat-dapat na susunod na kalihim ng DILG.

“Hindi ko alam kung kailan tayo magtatalaga ng bagong Interior Secretary. Hindi pa po namin masyadong napag-uusapan ‘yan. I’m sure naiintindihan ninyo ‘yon. We will wait until the funeral tomorrow before we have a serious discussion about who will replace Jesse Robredo.” ang pahayag ni Sec. Carandang.

Sa kabilang dako, umapela ang Malakanyang sa publiko na huwag lagyan ng malisya ang naging kautusan ni Pangulong Aquino na i-secure ang tanggapan ni Robredo at bahay nito sa Quezon City dahil sa mga sensitibong trabaho na naiwan nito.

“So talagang ‘pag may mangyaring ganito sa isang miyembro ng Gabinete na maraming inaasikasong sensitive and secret items, talagang sini-secure po ang kanyang office at kanyang bahay,” aniya pa rin.

Ayon kay Carandang, karapatan ni Pangulong Aquino na pangalagaan ang mga sensitibong bagay na may kinalaman sa sensitibong usapin na hawak ng DILG lalo pa’t tuloy-tuloy ang operasyon ng departamento sa ilalim ng pamamahala ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. bilang OIC ng DILG.

“Tama ‘yon, tuloy-tuloy ang operasyon sa ilalim ni OIC na si ES Jojo Ochoa who’s acting as the OIC. And the President, of course, he is informed and is aware of all the developments especially the most sensitive ones,” sinabi pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply