Para kay DILG Secretary Jesse Robredo

LINGGO, 5:40pm, hindi pa rin natatagpuan si DILG Sec. Jesse Robredo at mga piloto ng kanilang sinasakyang eroplano na nadisgrasya noong Sabado bandang alas- 4:30 ng hapon sa Masbate.

Kaisa ng sambayanang Filipino, dalangin natin na sana ay ligtas si Sec. Robredo.

Ngunit sakali mang naganap na nga . . . isang bagay lang ang iniwan ng magiting na Kalihim para sa mga opisyal ng ating pamahalaan.

Sa pagpanaw ng isang butihin, tunay at matapat na lingkod-bayan ay buong bayan ang nagluluksa.

Kulang ang pahina kung ilalahad ko ang mga tapat na serbisyong ibinigay sa bayan ni Sec. Jesse Robredo.

Kahit ‘yung mga personal ko lamang na nalalaman.

Malas talaga, parekoy, huh!

Minsan lang tayong nagkaroon ng napakahusay na DILG Secretary ay nadisgrasya pa!!!

May palatandaan ako na wala na nga si Sec. Robredo. Dati, kahit hatinggabi ay sinasagot niya agad ang mga tawag at text message ko.

Lalo na kung may mahahalagang impormasyon na inaabangan niya mula sa atin.

Magdamag noong Sabado at maghapon ngayon (Linggo) ay hindi tayo nagsawa sa pagpapadala sa kanya ng text  message na tumawag sa Diyos! Ang kulit ko rin, parekoy, sa walang humpay na dial sa kanyang cellular phone.

Ngunit ang dati na palasagot na telepono ni Sec. Jesse Robredo ay mistulang bingi!

Tsk, tsk, tsk, kung sakali man . . . ay hindi si Sec. Jesse Robredo ang kawawa. Ang mga api sa lipunang ito ang higit na kawawa!

Mahirap lang magreklamo sa Diyos, parekoy, dahil siya ang nakaaalam sa lahat ng bagay na agaganap sa atin.

Pero, sandamakmak ang gago at inutil sa ating gobyerno pero bakit kaya hindi sila ang nagkandatigbak? Huh!

Anoman ang resulta, sakali mang patay ka na nga, Sec. Jesse Robredo, saan ka man naroon, baunin mo sir ang aking paghanga sa iyong serbisyo at pagkatao!

Isa kang tunay at huwaran na lingkod-bayan sir!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  ALARMA-Kinse Trenta (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply