Para magkaroon ng happiness, Pokwang reregaluhan ng “sex toy” ni K Brosas

KA-join si Pokwang sa ngayon pa lang ay inaasahan ng tatabo sa takilyang pelikula ng mga bagong Concert Kings na sina Jose Manalo at Wally Bayola na Ikaw Na, The Best Ka! na dating Sa ‘Yo Ang Pritil, Sa akin ang Tondo na produced ng APT Entertainment ni Sir Tony Tuviera.

Bale si Pokwang ang leading-leady ni Wally sa movie at si Jose naman kay Solenn Heusaff.

Nang maka-chikahan si Pokie ng ilang kaibigang reporter ay very proud na ipinag-malaki ng komedyana ang latest project na kung i-describe niya ay pinakanakatatawang movie na may kasamang anik-anik na action scenes.

At say mo! mga big stars ang mga sumuporta sa kanila sa film nilang ito tulad nina Dabarkads Bossing Vic Sotto, Joey de Leon at marami pang iba. Sa gitna ng kuwentuhan sa mga manunulat, napag-usapan ang pagiging single ni Pokie.

Biglang natawa ang lahat ng walang kamali-malisyang nag-dialogue si Pokwang na inaantay nga niya ang matagal ng OPM na regalo sa kanya ni K Brosas na “sex toy”.

Sabi raw kasi ni K sa kanya dapat sa katulad niyang nag-iisa lang at walang partner sa buhay ay naglilibang paminsan-minsan gamit ang tinutukoy nitong sex gadget.

Ganu’n? Well, gusto lang naman siguro ni K Brosas na magkaroon naman ng happiness ang friend na komedyana.

Ang tanong, di ba single rin si K? Ibig bang sabihin nito inaasa rin niya sa sex toy ang kanyang kaligayahang sexual?

Sabi nga Uge walang basagan ng trip gyud!

Sa September 5,  na pala ang showing ng biggest comedy action movie ito ng dekada nina Wally at Jose.

***

Sam Pinto, siniguradong hindi siya pagseselosan ni Lani Mercado  

MUKHANG si Sam Pinto lang ang makasisira ng record sa babaeng hindi pagseselosan ni Congresswoman Lani Merca- do sa dyowang si Senator Bong Revilla.

Kahit kasi pangalawang movie na nila itong Si Agimat, Si Enteng At Si AKO with Bossing Vic Sotto and Judy Ann Santos, at kahit pa kaakit-akit ang ganda at kaseksihan ng aktres, pa- rati nitong sinasabing hindi siya papatol sa married guy like Sen. Bong.

Ang maganda naman ay always safe ang pakiramdam ni Sam sa nasabing gwapong actor-pulitiko. Kahit dine-deny ni Sam na wala siyang dine-date ngayon ay may nagkumpirma sa amin ng balitang may foreigner boyfriend na siya na laging nagbabantay sa kanya sa set ng top-rating gag show nila sa GMA 7 na Bubble Gang.

So, malabo talagang pagselosan ni Lani ang biyuting alaga ni Ms. Claire dela Fuente na patuloy na humahataw ang career.
Bale ‘yung movie pala nito with Sen. Bong. Bossing and Juday ay isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

By the way, may nakausap kami na nagkwento rin na may malaking plano pala this year si Boss Vic del Rosario kay Sam kung saan ilulunsad ang actress sa isang quality sexy drama movie.

Ito na kaya ‘yung remake ng Angela Markado ng comebacking actress na si Hilda Koronel during the 80’s kung saan tinanghal siyang Best Actress?

Will give you update na lang gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply