Parak, misis sugatan sa pananambang sa Tondo

SUGATAN ang isang pulis at kanyang misis matapos tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa harap ng terminal ng PNR, Dagupan Exit Gate, Mayhaligue St. Tutuban Tondo, Manila kagabi.

Kinilala ang mga biktima na si SPO2 Carlo Pineda, 42, ng District Anti-illegal Drugs Special Task Force (DAID) NPD, at asawa nito na si Annalee Pineda, 32, kapwa ng 1804 F. Valona St. Tondo, Manila.

Ayon kay Atty. Ernesto V. Tenedero Jr. , Police Superintendent DSC, Station Commander, Manila Police District, sakay ang biktima kasama ang anak nitong 5 taong gulang na lalaki sa Mitsubishi Pick-up nang tambangan ng isang di nakilalang lalaki at tatlong beses paputukan sa kaliwang bintana ng sasakyan.

Makaraan ang pamamaril ay tumakas ang suspek, habang isinugod naman ang mga biktima sa pagamutan.

Inaalam na ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply