Parak na bantay sa police outpost, niratrat, tepok

PATAY ang isang parak nang ratratin ng hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang police outpost sa Datu Unsay, Maguindanao kaninang alas 2 a.m. (Agosto 11), ayon sa ulat ng police spokesman.

Kinilala ni Colonel Prudencio Asto, spokesperson ng 6th Infantry Division, ang napatay na pulis  na si Police Officer 1 Randy Dumaguing.

Ayon kay Asto, maaring nakatuwaan na lamang idinamay ang biktima nang mapadaan ang mga miyembro ng BIFFsa lugar habang tumakas sa sagupaan.

Naganap ang insidente isang araw matapos ideklara ng awtoridad na nabawi na nila ang kontrol ng kaguluhan sa Maguindanao-General Santos Highway kasunod ng halos isang linggong bakbakan na ikinamatay ng may 12 katao, apat dito ay mga sibilyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply