Parak nagbaril sa loob simbahan sa QC

SA LOOB mismo ng simbahan, nagbaril sa sarili ang isang pulis sanhi ng matinding depresyon kaugnay sa kasong kriminal na kanyang kinakaharap sa Quezon City kagabi (Miyerkules, Agosto 15).

Kinilala ang namatay na si P01 Flordelino Ulep, miyembro ng Quezon City Police District Station 7, na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo mula sa sariling 9 mm sevice pistol.

Sa pagsisiyasat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente sa pagitan ng alas-6:30 at 7:30 ng gabi sa loob ng San Bartolome Parish Church sa may Quirino Highway, Novaliches.

Ayon sa imbestigasyon ng CIDU homicide investigators, bago ang insidente ay masyadong naapektuhan ang biktima dahil sa kinasasangkutan niyang kasong frustrated murder na nag-igting sa isang shooting incident sa Quezon City.

Si Ulep ang iniuugnay sa pagpatay sa isang Dante Anasco, isang doorman ng isang resto bar sa Quezon City may ilang linggo na ang nakararaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply