Parak tepok, misis sugatan sa riding-in-tandem

TEPOK ang isang pulis habang sugatan naman ang kanyang misis makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Infanta, Quezon.

Nabatid na pauwi na si PO1 Ronald Valera kasama ang nasugatan niyang misis na si Amy Valera nang tambangan sila ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo.

Nagtamo ng pitong tama ng bala ang naturang pulis na kaagad na ikinamatay nito habang tinamaan naman sa braso si Amy.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply