Parak todas, misis sugatan sa hired killer

SAPUL sa ulo at sa katawan ang isang pulis habang sugatan naman ang misis nito nang tambangan ng nag-iisang armadong lalaki ang mag-asawang sakay sa motorsiklo sa Quezon kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ang biktimang si SP01 Rommel Valera, 40-anyos, miyembro ng PNP Infanta police investigation section, habang isinugod sa ospital si Amy, misis ni Valera,  kapwa residente ng Barangay Catambuangan, sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero may hinalang hired killer ang pumatay kay Valera.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 11:30 ng umaga sa Purok Guapo, sa Barangay Poblacion, Bantilan.

Bago ito, lulan ang mag-asawa sa kanilang motorsiklo at nang makarating sa naturang lugar ay biglang may tumawag na ‘Pare’ kay Valera.

Sa pag-aakalang kakilala, huminto ang mag-asawa para tignan kung sino ang tumawag sa kanila pero imbes kamustahan o kuwentuhan ay mga bala ng baril ang isinalubong sa kanila ng suspek.

Tumakas naman agad ang bumaril sa pulis at ang tumayong look out sa krimen patungong Sitio Libis, Bantilan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply