Parking boy nilikida sa Maynila

MAY tama ng bala at tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nang matagpuan ang isang parking boy sa Pier 2, North harbor sa Tondo, Maynila, kagabi.

Kinilala ang biktima na si Reymundo Corpus, 40 anyos, parking attendant at residente ng 261 Area A, Gate 1, sa Pier 2 sa Tondo.

Blangko pa rin ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng hinihinalang nasa dalawa o mahigit pang suspek.

Batay sa report ni Det. Ronald Gallo, ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 6:35 kagabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Pier 2 sa North Harbor.

Nagpapatrulya si Arnel Parce, barangay kagawad sa lugar nang makita ang nakahandusay na biktima at naliligo sa sariling dugo. Agad na ipinaalam ni Parce kay Sr.Insp. Roberto Mangune, hepe ng MPD-Delpan Police Community Precinct na sakop ng Station 2 ang nakita.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, na bukod sa tama ng bala mula sa kalibre 45 pistola sa mukha at sa tiyan ng biktima, nakitaan din ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Narekober sa crime scene ang sira-sirang patalim na may habang pitong pulgada bukod sa isang basyo ng bala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply