Parks UAAP Press Corps Player of the Week

PATULOY na ipinakikita ni Bobby Ray Parks Jr. ng National University ang lakas nito sa laro matapos nitong makuha ang UAAP Most Valuable Player award nakaraang season.

May pag-asa muling makuha ni Parks ang nasabing award subalit para sa kanya ay naka pokus ang kanyang magandang laro upang makuha ang asam na titulo sa 75th UAAP senior men’s basketball tournament.

“You’re only as good as your last game so you always have to motivate the team,” sabi ni Parks, na nangunguna sa liga sa puntusan (18.3 points per game) at assists (5.3 apg).

Sa huling laro ng Bulldogs ay pinangunahan nito ang ang kanyang koponan upang ilista ang unang back-to-back wins upang tanghalain siyang UAAP Press Corps Player of the Week citation na ibinigay ng sports scribes na nag ko- cover ng collegiate beat at ACCEL 3XVI.

Si Parks ang nagsimula sa rally ng Bulldogs upang silatin nila ang last year’s runnerup Far Eastern University Tamaraws, 61-57.

Tumikada ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks Sr. Ng 17 markers,at tig six rebounds at assists upang pigilin ang four-game winning streak ng Tams.

Kagabi ay giniba ng NU ang Adamson U Falcons, 77-62.

“We talked about follow through before the game and that was the word of the day. We wanted to follow through our win against FEU and treated this game as a very important game,” anang NU coach Eric Altamirano.

Tinalo ni Parks sa botohan ng nasabing citation ang kakamping si Emmanuel Mbe, pambato ng Ateneo na sina Greg Slaughter at Nico Salva, Terrence Romeo ng FEU at si Aljon Mariano ng University of Santo Tomas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply