Party-lists ni Tingting Cojuangco, La Torre, ipinababasura

IPINABABASURA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa Commission on Elections (Comelec) ang party-list ni dating Tarlac governor Margarita ‘Tingting’ Cojuangco, ang Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa.

Ito ang reaksiyon ng grupo bilang suporta sa petisyon ng grupong Kontra Daya laban sa partido ng tiyahin ni Pangulong Benigno Aquino at kasapi ng asenderong pamilya Cojuangco.

Ayon kay KMP deputy secretary Willy Marbella, isang pambabastos sa party list law ang desperadong tangka ni Cojuangco na tumakbo gamit ang pekeng organisasyong pang-magsasaka.

Kaugnay nito, ipinababasura rin ng KMP ang grupong Alliance for Rural and Agrarian Reconstruction, Inc. (Araro) bilang party list ng mga magsasaka.

Napag-alaman ng KMP na ang unang nominee ng Araro ay si dating police general Quirino De La Torre na regional commander ng mga pulis na inaakusahang namaril sa Hacienda Luisita Massacre noong 2004.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply