Pasahero papuntang Baguio stranded dahil sa nabuwal na puno

LA UNION – Na stranded ang mga ilang pasahero papuntang Baguio City sa La Union na sakop ng Naguillan-Baguio dahil sa pagkabuwal ng malaking puno ng acacia kaninang madaling araw.

Napag-alaman na bandang alas-2:00 kanina ng madaling araw nang tumambad sa mga motorista ang nakahambalang na natumbang kahoy.

Sa kasalukuyan ay pinagtutulungan pa rin ng mga residente at ilang opisyal na tanggalin ang punongkahoy nang sa gayon ay mas madali na para sa mga motorista ang umakyat sa syudad ng Baguio.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply