Paslit nailigtas sa kidnappers sa Pampanga

NAILIGTAS ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Philippine National Police (PNP) ang 2-anyos na US citizen na lalaki makaraang dukutin sa Mabalacat, Pampanga.

Arestado naman ang dalawang kidnapper na nakilalang sina Michael Roque, 36, na may hawak ng P250,000 ransom at isang Rogelio Ramos.

Batay sa report na isinumite ni AKG chief S/Supt. Renato Gumban kay PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome, nakatanggap sila ng impormasyong nadukot ang bata kung kaya kaagad silang naglunsad ng search and rescue operation kahapon.

Una na umanong humingi ang mga kidnappers ng P50 milyon sa ama ng biktima.

Dinukot ang biktima noong Agosto 15, 2012 sa San Fernando City, Pampanga kung saan kasamang tinangay ang isang vault na naglalaman ng mga alahas at ang silver sports utility vehicle ng pamilya ng bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply