Paslit patay, ina, 3 kapatid malubha nang malason sa dinuguan

PATAY ang 6-anyos na bata habang ginagamot pa rin sa kasalukuyan ang ina nito at tatlo pang kapatid makaraang malason sa kinaing dinuguan na may halong kamoteng kahoy sa Albay kagabi.

Idineklarang patay si Jay-Ann Bordeos ng mga doktor alas-8:00 kagabi. Nasa kritikal pa ring kalagayan ang ina at tatlo pang kapatid ni Jay-Ann kasama na ang pitong taong gulang na si Lyza Bordeos, pawang residente ng Purok-7, Sagurong islang bayan ng San Miguel.

Nabatid na nagsimulang magsuka at manakit ang tiyan ng mga biktima makaraang kumain ng dinuguan na may halo umanong kamoteng kahoy.

Nakaligtas naman sa pagkalason ang ama ng tahanan na nasa trabaho pa nang kumain ng naturang pagkain ang mga biktima.

Una ng dinala sa isang pribadong ospital ang mga biktima subalit dahil sa malubhang kalagayan, dinala na ito sa Bicol Regional Training & Teaching hospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply