Patay kay ‘Gener’ 23 na

UMABOT na sa 23 ang nasasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Gener sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Base sa panayam sa radyo kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos,may pitong karagdagang biktima ang naitala ng ahensya mula kahapon.

“Nadagdagan na, 23 na ngayon, ito ay nanggaling sa Region 7. Dalawa (2) doon sa sa Bayawan City, Negros Oriental; dalawa (2) rin dito sa Sagay City Negros Occidental; isa (1) dito sa Kinoguitan, Misamis Oriental; isa (1) doon sa Obando, Bulacan; at isa (1) sa Mariveles, Bataan,” ayon kay Ramos.

18 barangay sa Dagupan lubog sa baha

HIRAP naman ang mga commuters sa maraming barangay sa Dagupan City makaraang lumubog sa baha ang may 18 barangay bunsod pa rin ng malakas na ulan na sinabayan ng high tide.
Nabatid na umabot ng lagpas beywang ang mga barangay na kinabibilangan ng Boquig, Lasip Grande, Mayombo, Malued, Pogo Chico, Herrero Perez , Calmay, Barangay 1,2 at 3, Bacayao Norte, Poblacion Oeste, Lucao, Carael, Bacayao Sur, Tapuac, Pantal, Pogo Grande at Bonuan Gueset.
Kaugnay nito, puspusan naman ang ginagawang monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) upang mapaghandaan sakaling may mga residente nang kailangang ilikas o dalhin sa evacuation centers, upang agad namang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.
Posibleng tumagal pa ang high tide sa naturang lungsod hanggang sa Biyernes.
loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply