Pato’t panabla itataya na ng Smart Gilas sa 34th William Jones Cup

PATI pato’t panabla ay itataya na ng Smart Gilas Pilipinas II para masungkit ang titulo sa 34th William Jones Cup International Men’s Basketball Tournament sa Taipei Physical Education College Gymnasium sa Tienmu, Taiwan.

Isang team na lang ang nakahambala sa dadaanan ng Nationals tungo sa tagumpay.

Kailangan na lang talunin mamayang alas singko ng hapon ang USA para iuwi ng Smart Gilas II ang karangalan.

Kasalo ng USA ang defending champion Iran at S.Korea sa second to fourth spot na may 5-2 win-loss slate.

Sinalpak ng PHL team ang ika-anim na panalo ng talunin nila ang determinadong Chinese Taipei-A, 76-72 kagabi upang sikwatin ang solo liderato hawak ang 6-1 card.

Nahirapan ang Pilipinas II sa Chinese Taipei-A dahil dikitan ang naging labanan sa loob ng apat na quarters.

Abante ang Nationals sa halftime, 37-29 subalit umarangkada sa outside shots ang mga Taiwanese upang hablutin ang lamang, 54-56 papasok sa final canto.

Hindi naman nasiraan ng loob ang tropa ni coach Chot Reyes at nakipagdikdikan ang mga ito hanggang sa huling minuto.

Nasa unahan ang PHL 5 73-70 ng iselyo ni Gary David ang panelyong tres para sa 76-70 bentahe may 40.1 segundo na lang ang nalalabi sa orasan.

Bumida rin si LA Tenerio ng makipagpalitan ito ng tres sa mga Taiwanese.

Tumikada sina Jeff Chan at Marcus Douthit ng tig 14 puntos at parehong 11markers ang kinamada nina Tenerio at Raniedel De Ocampo habang five points ang ginawa ni David.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply