Pay rules para sa Aug 7 ipinalabas ng DOLE

TATANGGAP ng karagdagang suweldo ang mga manggagawa na nagtrabaho nitong Agosto 7, sa kabila ng anunsyo ng Malakanyang na nagsuspinde ng pasok sa pribadong sektor sa Metro Manila at karatig lalawigan bunsod ng malalakas na pag-ulan sa nasabing araw.

Ito ang nakasaad sa ipinalabas na pay rules ng Department of Labor and Employment (DOLE) na susundin ng mga employer o yung mga nasa pribadong sektor para sa Agosto 7, 2012.

Batay sa isang pahinang advisory na inilabas ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, paiiralin ang ‘no work, no pay policy’ para sa mga manggagawa na hindi nagtrabaho sa nasabing araw dahil sa suspensyon ng trabaho.

Maliban na lamang kung mayroong Collective Bargaining Agreement (CBA) na nakasaad na kailangang bayaran ang kanilang araw o ‘di kaya naman ay mayroon pang leave credits ang isang empleyado kung saan maaaring ibawas ang leave of absence.

Sakali namang nagtrabaho ang isang empleyado sa nasabing araw, dapat itong bayaran ng karagdagang 30 porsyento ng kanyang arawang sahod.

Kapag naman lumagpas sa walong oras, dapat itong makatanggap pa ng karagdagang 30 pang porsyento.

“For purposes herein, the effectivity of these rules for payment of wages shall start at midnight of 7 August 2012 and end at the immediately succeeding midnight.” nakasaad pa sa labor advisory.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Baldoz ang mga employer na bigyan ng karagdagang incentives o benepisyo ang mga pumasok sa kanilang mga trabaho sa kabila ng naganap na kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply