‘PBA player,’ isa pa kulong sa panghoholdap

KULONG ang kapangalan ng dating PBA player at ngayon ay konsehal ng Valenzuela City at isa pang kasama matapos mangholdap sa Navotas kaninang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si  Jerry Esplana, 31, ng Nirvana St., Malabon City at Nilo Bacsal, 23 ng Binondo, Manila.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling-araw, busy sa pag-text si King Philip Garcia, 31, sa Catleya St., North Bay Boulevard South  nang lapitan at tutukan ng patalim ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas habang nakahingi naman tulong sa mga pulis si Garcia.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek at nakuhanan ng balisong kung saan nabawi rin ang cellphone ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply