PBA Rookie draft umpisa na

HABANG papalapit ang oras ng magaganap na 28th PBA Annual Rookie Draft ay kinakabahan si June Mar Fajardo dahil sa pagiging overall top pick nito sa may 57 na nagparehistro.

Nape-pressure umano ang 6-foot10 Fajardo dahil anya mataas ang expextations sa kanya ng Petron Blaze team na kukuha sa kanya.

Ngayong alas 4 ng hapon magsisimula ang pilian na gaganapin sa Midtown Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Ayon kay PBA chairman Robert Non o-operan nila si Fajardo ng maximum rookie salary na P150,000 sa isang buwan sa loob ng isang taon, P225,000 sa second year at 337,500 sa third year.

Si Non ay head ng basketball operations for San Miguel Corporation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply