PCG: Mga bahagi ng sinakyang eroplano ni Robredo, narekober

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na narekober na ang ilang bahagi ng Cessna plane na sinakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo na bumagsak sa karagatan ng Masbate kahapon.

Ayon kay PCG-Bicol Commodore Joel Garcia, alas 7:00 ng kagabi nang marekober ng mga mangingisda na tumutulong sa rescue operations ang fuel tank ng twin-engined Piper Seneca plane.

Bago nito, una na ring natagpuan ang buntot at isang bahagi ng gilid ng eroplano, ayon sa PCG.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginawang search and rescue operations para mahanap si Robredo na umanoy nawalan pa ng malay bago bumagsak ang eroplano at dalawa pa nitong piloto.

Umaasa naman ang pamahalaan at sambayanang Pilipino na buhay pa at matatagpuan si Robredo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply