PDEA office sa Pangasinan, pinasabugan

HINIHINALANG pagganti ang motibo ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa ginawang pambobomba sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency’s Eastern Pangasinan Special Enforcement Team (EPSET) noong gabi ng August 2, 2012.

Naganap ang insidente matapos ang isang anti-drug operation ng ahensiya na nagresulta sa pagkakapatay sa isang kilabot na drug pusher sa Pangasinan.

Dahil dito, kinondena ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nasabing pag-atake. Aniya, malinaw na nais lamang gumanti ng mga taong malalapit sa napatay na suspek na si Asis Hadji Modior ng  Barangay Camantiles, Urdaneta City sa Pangasinan.

Napatay si Modior matapos makipagbarilan ng halos10 minuto sa mga undercover agents ng PDEA na tangkang umaresto sa kanya habang nasa aktong binebentahan ng shabu ang isang poseur buyer.

Pagkatapos nito bandang alas 9:00 ng gabi isang lalaki na sakay umano ng isang motorsiklo ang naghagis ng hindi pa malamang bomba sa harapan ng tanggapan ng PDEA-EPSET na nasa Brgy. Bayaoas, Urdaneta City.

Masuwerte naming walang tinamaan at nasaktan sa mga tauhan ng PDEA matapos ang malakas na pagsabog.

Nakunan pa ng CCTV camera ang isang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nakitang naghagis ng hindi pa malamang uri ng pampasabog

Inatasan na ni Director General Gutierrez si  Director Roybel M Sanchez, Regional Director ng PDEA Regional Office I na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring insidente at makipagtulungan sa Urdaneta City Police.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply