Pedophile, timbog sa panggagahasa ng 8-anyos

ARESTADO ang isang hinihinalang pedopilya makaraang maaktuhang minomolestiya ang isang walong taon gulang na batang babae sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan, ulat ngayon ng pulisya.

Katarungan ang hinihiling ngayon ng isang ginang matapos gahasahin ni Mark De Vera na taga-Peñafrancia, Naga, ang kanyang anak na kindergarten student.

Batay sa pahayag ng ginang pinasok ng suspek ang bahay ng biktima, at pinalabas ang menor de ead din nitong nakatatandang kapatid, bago isinara ang bahay hanggang sa gahasain ang bata.

Ayon sa deklarasyon ng biktima, labis ang pagkatakot nito sa suspek dahil armado ng kutsilyo kaya wala umano siyang nagawa.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, binalak ng suspek ang ginawang panggagahasa dahil itinaon nitong wala ang magulang ng biktima.

Base rin sa pagsusuri, namamaga ang ari ng bata at may nakitang penetration na palatandaang nagahasa nga ito.

Samantala, sa pagkakahuli naman sa suspek, nakuha pa rito ang ilang larawan ng iba’t ibang menor de edad na babae.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng magulang ng kasong statutory rape.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply