Pekeng pasaporte ng Reyes brothers, nakalusot sa BI

NAKALUSOT pa rin ang pekeng sinuri ng passport reader ang pasaporte na ginamit ni Joel Reyes na nakapangalan sa isang Joseph Limpe.

Nabatid sa ulat ni Bureau of Immigration (BI) spokesman Atty. Antonette Mangrobang na kanilang tinitingnan ang anggulong napakagaling ng pagkakapeke sa passport at ang posibilidad na mayroong nag-facilitate sa pagdaan ng magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Kasama rin sa kanilang iniimbestigahan ang buong shift ng immigration personnel noong nakalabas ng bansa ang magkapatid na Reyes.

Ipinaliwanag ni Mangrobang na bagamat walang record ang Immigration na may lumabas na Mario Reyes, mayroon naman nakalagay na Mario Reyes sa flight manifest.

Dahil dito lalong tumibay ang ulat na maging kasabawat ang dalawang immigration commissioner sa palabas ng bansa ng dalawang most wanted fugitives.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply