Pekeng PDEA recruiter, tiklo

BINALAAN muli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko sa mga nagpapakilalang mga opisyal ng PDEA na nagre-recruit ng anti-drug agents.

Ipinalabas ni PDEA director general Jose Gutierrez Jr. ang babala sa publiko matapos madakip ang suspek na si Jocelyn Mendoza-Domingo, 49, dahil sa kasong swindling nitong nakaraang Agosto 9, lamang.

Ang suspek na si Mendoza-Domingo ay nagpapakilala na siya ay si Lieutenant Colonel Josephine Mendoza mula sa PDEA at inililista ang publiko para maging “roving PDEA agents.”

Nadakip si Mendoza-Domingo sa isang entrapment operation ng mga elemento ng Sta Maria Police, Bulacan sa Barangay Parada matapos magreklamo ang isang Salvador dela Cruz, 39-anyos, isang traffic enforcer mula sa Sta. Maria, Bulacan.

Sinabi ni dela Cruz na niloko siya ni Mendoza-Domingo sa pamamagitan ng paghingi ng P1,560 para maging PDEA recruitment at processing fees.

“We will not tolerate unscrupulous individuals who deliberately besmirch the integrity of PDEA,” pahayag ni Gutierrez.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply