Pekeng pulis arestado sa Maynila

ARESTADO ang isang lalaki na nag-aastang pulis matapos itong mabuking ng totoong miyembro ng Philippine National Police kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si Leonzo Romero, nasa hustong gulang.

Sa report ng Manila Police District nagpapatrulya ang mga awtoridad sa kahabaan ng Jose Abad Santos sa Tondo sakay ng kanilang patrol car nang banggahin sila ng suspek na lulan naman ng kanyang motorsiklo.

Nabatid na may nakasabit umanong tsapa ang suspek sa kanyang damit kaya naman nagdalawang-isip ang mga awtoridad na  sitahin dahil sa pag-aakalang kabaro nila ito.

Gayunman, nang hingan ang suspek ng kanyang identification card ay wala naman itong maipakita kaya agad siyang inaresto at binitbit sa headquarters kung saan siya ngayon nakakulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply