Pera para sa feeding program nawawala

NAWAWALA ang perang gagamitin sa feeding program matapos kunin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng Valenzuela City Hall kahapon ng umaga, Agosto 27.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, nililinis ni Dennis Cantillon ang opisina ng Purchasing Department ng Valenzuela City Hall sa MacArthur Highway, Karuhatan nang mapansing bukas ang drawer ni Cris De Vera.

Agad na sinabi ni Cantillon sa mga guwardiya ang pangyayari na ipinagbigay-alam naman sa mga pulis.

Nawawala na ang P111,850 na gagamitin sa feeding program at P35,000 para naman sa seminar.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply