Pera-pera lang ang dahilan!

PERA-PERA lang ang idinahilan ni Luis Manzano kay Jennylyn Mercado sa bed scene nila ni Vice Ganda sa pelikulang “This Guy’s In Love with You Mare.”

Nag-tweet kasi si Vice ng photo ng bed scene nila at may nag-forward kay Jen. Tinanong ng boyfriend kung ano ‘yun.

“Magte-ten years na ako sa industriya pero yung bed scene yun ang nagpabago sa akin. Nu’ng pauwi ako, may luha na bumabagsak sa mata ko. Hindi naman sa napilitan pero, kumbaga, namulat ang aking mata. Sa kanan lang naman. Isa lang ang bumagsak,” may halong pagbibiro ni Luis.

After ng limang pelikula na nagawa nila, bumigay na si Luis kay Vice. Feeling nga niya ay pinagkaisahan siya ni Vice at Direk Wenn Deramas dahil kahit wala pa ‘yung kamera ay pinapa-rehearse na.

-0o0-

BONGGA at maningning ang nalalapit na 4th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club, Inc. na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 6 p.m.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng buong club ang pagtatanghal nang sa ganu’n ay lalung maengganyo ang mga nasa larangan ng musika sa paggawa ng mga awiting OPM (Original Pilipino Music) na kanilang ilalahok sa music awards sa mga susunod na taon.

Para sa kaalaman ng buong music industry, lalong pinalaki ang Star Awards for Music dahil nagdagdag ng kategorgorya ang PMPC para sa male and female Concert Performer of the Year, Duo/Group Concert Performer of the year.

Ang mga host ng music awards ay sina Richard Gomez, Pops Fernandez, Xian Lim at Maja Salvador.

Sa opening number pa lang ay tiyak nang titilian ang mga mahuhusay na singer na sina Jed Madela, Christian Bautista, Yael ng Sponge Cola, Sam Milby, Juris, Erik Santos, Ryan Cayabyab Singers at Bamboo (pawang mga Song of the Year nominees) ang mapanonood kung saan bukod sa nominadong kanta nila ay kakantahin rin nila ang theme song ng Star Awards for Music na kinumpose ni Boy Christopher.

Ang pinasikat na kanta nina Vehnee Saturno, Lito Camo at Boy Christopher ay kakantahin nina Marcelito Pomoy, Jovit Baldovino at Mocha Girls na kung saan ay gagawaran sila bilang natatanging alagad ng musika. May special number rin sina Jose Manalo at Wally Bayola.

May 12 Natatanging Alagad ng Musika na pararangalan ang PMPC bukod sa tatlong nabanggit na composers. Ito ay sina  Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Lea Salonga, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, at Zsa Zsa Padilla. Mga anak ng Icon singers na sina Robin Nievera, Paolo Valenciano, Isabella at Karylle ang haharana para sa mga Alagad ng Musika.

Aawitan naman nina Zia Quizon, Yeng Constantino, Angeline Quinto at Christian Bautista ang Lifetime Achievement Awardee na si Jose Mari Chan.

Mapanonood ang 4th Star Awards for Music sa Sept. 16 sa Sunday’s Best ABS-CBN under the Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.

-0o0-

KINAIN na raw ng pridyider si JM De Guzman na hindi nakarating sa presscon ng bagong pelikula ng Regal Films na “Pridyider” kung saan ay tampok sina Janice De Belen, Joel Torres, Venus Raj, Baron Geisler, Ronnie Lazaro, Bekimon at Andi Eigenmann. Base kasi sa first ‘Shake, Rattle & Roll,’ kumakain ng tao ang ‘pridyider’.

Tinawag ding bagong ‘Tulog King’ si JM dahil natutulog raw sa kasagsagan na hinihintay siya ng press sa Imperial Palace. Nakumpirmang ‘di na siya darating ng mga 2pm sa koltym na 12 noon.

Ayon sa isang malapit sa actor, namamaga raw ang kanang mata niya at hindi makabangon. 10:30 a.m. na rin daw siya pinakawalan sa taping niya sa Tagaytay ng “Angelito…Ang Bagong Yugto” kung saan ay 25 sequences ang tinapos niya at may big scene.

“Pasensya na po kay Sir Jun Nardo. And sorry rin po sa hindi ko pagsipot sa presscon. Hindi ko po kinaya, pinilit ko po bumangon kaso napagod po talaga ako,” text ni JM.

Kawawa naman si JM. Mapuputukan siya ng press sa hindi niya pagsipot dahil hindi naaayos ang schedule niya. Nai-indiyan niya tuloy ang kanyang ibang commitments.

Tsuk!

-0o0-

ISA pang kontrobersyal na tanong sa presscon ng ‘Pridyider’ ay kung may balak ba si Andi Eigenmann na ipakain sa ‘Pridyider’ si Albie Casino?

Ayaw raw niya. Mas gusto niya na humaba pa ang buhay ng ama ng kanyang anak.

“Lahat pagdaanan niya ‘yon just like me,” buong ningning niyang sinabi.

Naka-move-on na raw siya kay Albie. Hindi na nga raw niya maalala kung ano ang hitsura ng gwapong young actor.

“Sinabi ko sa first interview ko about my daughter, you don’t become a father by biology. But you become a father by faith! So, if it’s not him, it’s not him!” bulalas pa ng aktres.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply