Petisyon ni Claire dela Fuente sa tax evasion case ibinasura ng CA

TULOY ang kaso laban kay Claire Dela Fuente na pitong counts ng tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA)  matapos ibasura ng 16th Division ng Court of Appeals (CA) ang kanyang petisyon.

Sa anim na pahinang desisyon ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, inihayag ng Appelate Court na pareho lang sila ng ranggo ng CTA.

Binigyang diin pa ng CA na tanging ang CTA ang may esklusibong jurisdiction sa kasong tax evasion.

Una nang hiniling ni Dela Fuente sa CA na ipawalang bisa ang pagbuhay ng DoJ sa 43 counts ng kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply