Petition for habeas data ng Ilocos Norte mayor, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang petition for habeas data ng isang alkalde sa Ilocos Norte kaugnay sa alegasyon ng PNP-Ilocos Norte na nagkakanlong ito ng armadong grupo.

Sa 20 pahinang desisyon ng SC en banc na isinulat ni Justice Maria Lourdes Sereno, sinabi nito na bagamat may umiiral na right to privacy ay hindi pa rin ito sapat upang hadlangan ng estado ang interes ng nakakarami.

Sa record, si Dingras, Ilocos Norte Mayor Marynette Gamboa ay naghain ng writ of habeas sa Laoag City Regional Trial Court (RTC) laban sa PNP-Ilocos Norte dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng private army.

Maliban dito, nasira din anang alkalde ang kanyang reputasyon nang isumite ang kanyang pangalan sa Zenarosa Commission na inaakusang nagkakanlong at pagkakaroon nito ng private army.

Matatandaan na binuo nang nakaraang administrasyon ang komisyon upang lalo pang palakasin ang kampanya laban sa private armed groups na ginagamait ng ilang maimpluwensiyang tao laban naman sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply