PhilHealth express sa mga mall itinayo

MAGING sa mga mall ay maaari na ring magtungo ang publiko upang makipagtransaksiyon kaugnay sa kanilang PhilHealth.

Ayon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), nakipag-partner na sila sa dalawang pinakamalaking chain ng malls sa bansa na kinabibilangan ng Robinsons Malls at SM Malls, at nagbukas ng PhilHealth Express.

Anang PhilHealth, layunin nang pakikipagtuwang nila sa naturang mga malls ay upang matiyak na magiging mas kumbinyente sa publiko ang kanilang health services.

Kabilang sa mga serbisyo na maaaring sa malls na lamang isagawa ay ang pagsusumite ng member amendment forms, pagkuha ng application forms para sa bagong members, at pagbabayad ng premium payments.

Magkakaloob din umano sila ng PhilHealth Identification Number (PIN) card at Member Data Record (MDR).

Sa kasalukuyan, mayroon ng PhilHealth Express sa buong bansa sa mga sumusunod na lokasyon: Robinsons Metro East, Robinsons Galleria, Robinsons Manila, Robinsons Otis, Robinsons Novaliches Market; Robinsons Dasmariñas sa Cavite, Robinsons

sa Sta. Rosa, Laguna; Robinsons Starmills, Pampanga; Robinsons Luisita, Tarlac; Robinsons Tacloban, Leyte; at SM Sucat Hypermart.

Tiniyak naman ng PhilHealth na magbubukas pa sila ng mas maraming PhilHealth Express sa mga susunod na araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply