PHL babawi sa paralympic games

BUTATA ang Pinas sa nakaraang London Olympics kaya naman nanggigigil ng gumanti ang siyam na differently-abled Philippine athletes sa pagbubukas ng 14th Summer Paralympic Games sa London Olympic Stadium bukas.

Kasamang paparada ng Phl athletes ang 10 coaches at officials sa opening ceremonies.

Si table tennis ace Josephine Medina ang flag-bearer kung saan ay makakasama niya sina Marites Burce, Isidro Vildosola at Andy Avellana ng athletics, swimmer Beariza Ma. Roble at powerlifters Achelle Guion, Agustin Kitan at Adeline Ancheta.

Paparada rin dele­gation head Carlos Weber, Jr., , medical doctor Raul Michael Degramo, mga coaches at Philippine Sports Association for the Diffe­rently Abled chairman Michael Barredo at chief of mission Gerardo Rosario.

Tinatayang 4,200 differently-abled athletes mula sa 163 bansa ang mag-aagawan sa 503 medals ng 20 sports sa 11-day quadrennial sportsfest na matatapos sa September 9.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply