PHL chess team sinilat ang Moldova

WINAGAYWAY ng Philippine chess team ang ikalawang sunod na panalo upang makisalo sa first to 33rd place sa round 2 ng 40th FIDE World Chess Olympiad sa WOW Convention Center Istanbul, Turkey kaninang umaga.

Kinaldag ng 35th seed PHL woodpushers ang ranked No. 23 Moldova, 2.5-1.5 upang ilista ang perfect 4 match point .

Nakipaghatian ng puntos si GM Wesley So, (elo 2652) kay super GM Victor Bologan, (2734) sa board 1 , tabla rin ang resulta ng laban nina GMs Oliver Barbosa at Mark Paragua sa boards 2 at 3 habang si IM Oliver Dimakiling ang tumulak ng panalo laban kay IM Lulian Baltag.

Nakipagkasundo ng draw si Barbosa, (elo 2554) kay GM Dmitry Svetushkin, (elo 2569) habang si Paragua ay nakuntento sa draw kay IM Serghei vedmeduic.

Susunod na makakaharap ng Pinoy chessers ang seed No. 40Kazakhstan sa round 3.

Kasalo rin sa top spot ang top seed Russia at No. Seed Ukrain.

Si Vladimir Kramnik, (elo 2797) ang bumabandera ng board 1 para sa Russia habang si Vasily Ivanchuk, (elo 2769) ang nagtitimon ng board 1 para sa Ukraine.

Sa distaff side, nabigo ang Pinay chessers sa Slovenia, 1.5-2.5 upang manatili ang match point score nila sa 2.

Makakaharap ng No. 57 ranked PHL ang No. 58 na Turkmenistan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply