Pinagalitan ng nanay, 14-anyos student nagbigti

WALA nang buhay ang isang binatilyo nang matagpuan ng kanyang ina makaraang magbigti sa kanilang palikuran sa Quiapo, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Mar Vincent Verde, 14, first year high school student, nakatira sa 509 Sales St, nasabing lugar.

Nabatid na bago ang insidente ay ipinatawag ng adviser ng binatilyo ang kanyang ina upang kausapin ukol sa pagka-cutting classes nito.

Dahil dito kaya nagawa namang pagalitan ni Teresita Verde ang kanyang anak dala na rin ng pagiging barkadista nito na dinamdam naman ng biktima.

Kagabi ng alas-10:00 nang matagpuang patay na ang binatilyo habang nakabigti gamit ang nylon cord.

Hinala ng ina ng bata na dinamdam nito ang kanyang banta na patitigilin sa pag-aaral kapag naulit pa ang pagka-cut class nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply