Pinakamalaking kampo ng BIFM, nakubkob ng militar

NAKUBKOB na ng militar ang itinuturing na pinakamalaking kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa ikinasang pagsalakay sa Maguindanao.

Ayon kay Army Col Prudencio Asto, chief ng Division Public Affairs Office ng 6th ID, nabawi kahapon ng pinagsanib na puwersa ng 6th ID, 601st Infantry Brigade ang Hill 714 na nagsisilbing command center ng BIFM na nasa bayan ng Datu Hofer Ampatuan.

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon ng mga sundalo sa kampo sa posibilidad na ito’y balikan at bawiin ng mga rebelde.

Sinabi pa ni Asto na planong ibigay ng pamahalaan ang kampo sa local government unit para paunlarin sa tulong ng Department of Agriculture (DA) at ibang ahensya ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply