Pinakamataas na alerto idineklara na naman sa MM

IDINEKLARA na naman ang pinakamataas na alerto sa Metro Manila dahil pa rin sa patuloy na pag-ulan.

Ganap na ika-4:30 ngayong hapon nang ipahayag ng PAGASA ang highest warning sa malaking bahagi ng National Capital Region (NCR), partikular sa Quezon City, Manila at Marikina.

Ito ay makaraang umiiral na naman ang torrential rainfall (30.0-50.0 mm/hr) sa nabanggit na mga lungsod.

Heavy to intense rainfall (15.0-30.0 mm/hr) sa Pasig, CAMANAVA, Taguig at Pasay, habang moderate to heavy rainfall (7.5-15.0 mm/hr) naman sa iba pang bahagi ng NCR.

Ang nasabing alerto ay babala para sa mga residente na nasa mabababang lugar para muling lumikas dahil sa panganib ng matinding pagbaha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply