Pinas kampeon sa ASEAN quiz sa Cambodia

KAMPEON ang Pilipinas sa 5th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Quiz Regional Competition na idinaos sa Phnom Pehn, Cambodia, kahapon.

Ito ang masayang ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabatid na binubuo ng ng tatlong high school students ang Philippine Team na lumaban sa nasabing competition na kinabibilangan nina Franchesca Anne Inacay (Saint Albert the Great School sa Dagupan City), Kristiyanne Paul de Pedro (Corona del National Comprehensive High School sa South Cotabato) at Maria Angela Krizelle Rubin (San Joaquin National High School sa Calbayog).

Kabilang sa mga bansang lumahok sa kompetisyon ay ang Cambodia (second place), Brunei, Indonesia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam.

Ang ASEAN Quiz ay proyekto ng ASEAN Committee on Culture and Information.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply