Pinas nag-uwi ng bronze medals sa ballet competition sa HK

KARANGALAN naman para sa Pilipinas ang pagkakasungkit ng mga bronze medal ng Pinoy ballet dancers sa 2012 Asian Grand Prix International Ballet Competition for Students and Young Dancers na idinaos sa Y Theatre sa Chai Wan, Hong Kong simula August 6 hanggang 11.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagwagi ng tansong medalya si Rudolph Capongcol sa Senior Division para sa kanyang rendisyon ng “Diana and Actaeon,” habang si Arnulfo Andrade, Jr. naman ang hinirang na most promising sa kanyang division.

Nakasungkit rin ng tansong medalya sina Elpidio Magat, Jr. at Joan Emery Sia sa Pas de Deux division, para sa kanilang rendisyon ng “Giselle Act II.”

Ang nasabign kompetisyon ay nilahukan ng iba’t ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply