Pinas nasa watchlist pa rin ng US sa fake goods

IIMBESTIGAHAN na ng Kamara ang pananatili ng Pilipinas sa “watch list” ng Estados Unidos para sa counterfeit goods.

Ang imbestigasyon ay papangunahan nina Reps. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City at Maximo Rodriguez ng Mindanao.

Base sa taunang review ng United States Trade Representative, isinama sa watch list ang “Quiapo Shopping District” sa Maynila bilang isa sa 15 “Notorious Markets Worldwide for Piracy and Counterfeiting.”

Bukod sa Pilipinas, nasa “priority watch list” din ng ang Algeria, Argentina, Canada, Chile, China, India, Indonesia, Israel, Pakistan, Russia, Thailand, Ukraine at Venezuela habang ang Paraguay ay kabilang sa section 306 monitoring.

Bukod sa pagiging “priority watch list”, kabilang din ang bansa sa “watch list” at “section 306 monitoring” ng USTR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply