Pinay sa UAE tinamaan ng Stevens-Johnson Syndrome, kritikal
NASA kritikal na kondisyonngayon ang isang Filipina OFW sa United Arab Emirates dahil sa antibiotic reaction na umepekto at naka-impeksyon sa kanyang katawan .
Ayon sa report ngayon ng UAE-based site, isinugod si Lynn Credo del Rosario, 38, sa Iranian Hospital noong Agosto 8, matapos na makaramdam ito ng malalang kondisyon matapos na makainom ng gamot para sa trangkaso na binili nito sa
isang pharmacy.
Sa naging diagnose ni Dr. Kiumars Bayat, specialist Internal Medicine sa Iranian Hospital, nagkaroon ng severe case ng StevensJohnson Syndrome and Toxic Epidermal Necrolysis si Del Rosario na isang life-threatening skin condition na umaapekto sa isa sa milyong-milyong tao.
The hospital has received several cases of StevensJohnson syndrome in the last six months but they had less than 30 percent burns. This is the first time that weve seen such a severe case, ayon kay Dr. Kiumars Bayat, sa artikulong naka-post sa Gulf News ngayon araw.
Ayon pa sa report ng Gulf News, sa loob lamang ng 12 oras matapos na uminom ng antibiotics si del Rosario ay nagtamo na ito ng mga pagkasunog sa kanyang buong katawan at lumala pa ito makalipas ng ilan pang oras.
“In a matter of days, the burns affected about 90 percent of her body,” ayon pa sa Gulf news.
This disease affects the immune system and varies among patients because some people are more sensitive than others. Lynn is being treated as a burn victim and we have created a unit especially to prevent her from contracting any type of infection, dagdag pa ni Dr.Bayat .
Gayunman, sinagot naman ang lahat ng gastosin ni del Rosario sa kanyang pagpapagamot ng kanyang employer kung saan umabot na ito sa Dh70,000 o katumbas ng P812,000.
Upang makalikom naman ng karagdagang pondo para sa kanyang medical expenses ay nagkaroon na rin ito ng facebook page upang maipanawagan at maiparataing sa komunidad ang kanyang kondisyon at pangangailangan.
You must be logged in to post a comment Login