Pinipilit na bumili ng sabaw; parak na quarry protector

MULI hayaan natin ang ating mga tagasubaybay na ilahad ang kanilang mga kaalaman, damdamin, reklamo at kahilingan sa mga kinauukulan.

ABUSADONG BUS DRIVERS

Sir, gud morning po. ‘Yung mga bus driver po na dumaraan sa McArthur Highway ay wala pong pakialam sa mga rider na tulad ko.  Parang sila po ang hari, lalo na po pag naglo-load tsaka nag-a-unload. Salamat po, sir, and more power. Rider po from Bulacan. +63929744….

MARURUMING TRAYSIKEL

Sana bigyang pansin ni butihing Mayor Bobby Eusebio ng Pasig City ‘yung problema ng mga estudyante sa Pasig. Tungkol sa mga kalawangin, may maruruming trapal at mapuputik na mga tricycle na may rutang Pinagbuhatan. Sabi ng mga drayber, mag-taxi na lang daw sila para ‘di  marumihan. Tama bang sagot ito sa idinaraing ng mga pasahero? +63907517….

KOLEKTOR NI MENDOZA

Sir Benny, yang si SPO2 Pascua ay tao po ni Col. C.M. Mendoza. ‘Yan ang collector sa mga iligal na sugal sa area ng Novaliches. Kaya medyo malabo ang plaka ng sasakyan ni Pascua ay ayaw na ma-picturan. Barumbado talaga ‘yan. Sa tanda n’ya, SPO2 pa rin dahil puro kaso yan. Pakitapon na lamang, kasama si Col. C. Mendoza, sa Basilan. Doon libre ang iligal. Thank you po. +6391996….

BILYON-BILYON ANG HALAGA

Sina P03 Larry Javier, P03 Jerry Villaluz, P02 Marlon Servillon, P02 Jing Asinas,  SP01 Robert Chua at SP04 Arnel Cruz ang mga kumukuha para sa DILG kay Apeng Sy – P8K; Pacia – P6K; Erlan – P10K; Gina – P3K; Pinong – P7K; Cris – P10K; Dakne – P8K; Laarni – P5K; Ver Bicol  – P2K at Ine – P3K Sir, pakiaksyunan po. Salamat. Krusada laban sa korapsyon. +63921449….

SEATO INUTIL

Ang kapisan na “South East Asia Treaty Organization” (SEATO) noon ay parang samahang militar na panlaban sa China. ‘Yung ASEAN ngayon ay toothles o walang ngipin, ‘di pang militar. Inutil pala ito. ‘Di kagaya ng NATO. Dapat pangunahan ng Pilipinas na baguhin at maging kagaya ng NATO. +63917916….

PULIS PROTEKTOR NG QUARRY

Sir Benny. Sa amin sa Sitio Taguisan 2, Mayamot, Antipolo City, may quarry po malapit sa mga bahay. Ang masaklap po, eh, pulis ang nakabantay para walang magreklamo pag nagpasabog sila. Concerned citizen. +63929587….

MAHAL MANINGIL NA HIGH SCHOOL

Magandang gabi po sa lahat ng staff ng Remate, lalong-lalo na kay Sir Benny. Isa po akong concerned citizen na hihingi ng tulong sa inyo. Patungkol po ito sa naglalakihan at nagtataasang binabayaran ng mga mag-aaral sa eskwelahan ng San Gavino Victoria High School. sa Province of Tarlac. Ang mga guro at principal doon ay masyadong korap at garapal sila sa pera. ‘Di alintana ang hirap ng mga magulang na nagpapaaral kung makasingil ng babayaran ang mga guro. Pati po ID na dapat pong libre ay pinababayaran sa mga mag-aaral. Pakiaksyunan naman po sa lalong madaling panahon. Maraming-maraming salamat po. Mabuhay kayo lahat sa Remate. ‘Wag niyo na lang po i-publish ang number ko. Salamat po. +63928431….

PROBLEMA SA BASURA

Palaging nagmamadali ang trak ng basura ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose City.  Kukunin lang po namin ‘yung basura sa loob ng bahay, paglabas namin paalis na agad.  Kapag habulin namin, magagalit pa ‘yung tagakuha ng basura. Bakit daw hindi ilabas kaagad? Tulad dito sa bahay,  lola ko lang po ang  kasama ko. Makakilos po ba siya ng mabilis? Eh 80 plus na siya. Hintay kami nang hintay kung anong oras darating ‘yung trak. Alangan pong antayin namin nang maghapon. Eh may mga ginagawa naman po kami at yung iba, may trabaho. Wala kasing oras talaga ang pagdating ng trak. May umaga, may tanghali at may hapon. Nagbabayad naman po kami rito ng P20 kada buwan. +63947835….

PUNO INUUBOS

Good a.m., Sir Benny. Dito po sa aming bayan ng Narra, Palawan, ang Brgy. Bagong Sikat at Brgy. Boong ay wala pong tigil ang pag-uuling.  Alam po ng brgy. captain pero wala pong aksyon. Ang nakatatakot po ay kung bumaha,   kawawa po kami. Salamat po. Concerned citizen ng Bagong Sikat.  +63999490….

MGA PUPIL PINARURUSAHAN

Sir Benny, good am po. Dito po sa Sapang Palay, sa BBC elem school, San Jose del Monte City, abusado po ang mga titser. Pinipilit po nila ang mga estudyante na bumili ng soup araw-araw. Pag hindi bumili, patatayuin ‘yung bata o paglilinisin ng classroom. Natatakot tuloy pumasok ang mga bata pag walang baon. ‘Di po ba bawal ‘yun? +63949175….

MASIPAG NA TITSER

Masipag po ang OIC na si Ma’m Marichu Lindo ng Marangal Elementary School,  Towerville 6b, Brgy. Gaya-Gaya, San Jose, Bulacan. Hindi ko po siya bini-build-up pero nakikita naming mga parent ang kasipagan nya. Late na nagla-lunch, nauuna pa siya sa mga estudyante na dumating sa school. Sana po siya na ang maging official principal. +63947835….

EDSA AT MGA HALALAN

Good pm, Sir. Pakikalampag ulit sina DOST Sec. Montejo at ICTO chief Casambre sa madaliang pag-aprub ng aming Raionalization EO 366 ng  Telecommunications Office para mapondohan na ito dahil mahigit na anim na taon na kaming walang ginagawa. Kawawa ang taxpayers na nagpapasahod sa amin. Sana makarating na ito sa kinauukalang opisyales sa ikauunlad ng Aquino Administration sa propgrama niya na matuwid na daan. Thanks and more power… Concerned Employees ng TELOF-MMLA.+63926290….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply