Pinoy BMX rider pipidal na sa London Olympics

SASABAK si Fil-Am BMX rider Danny Caluag ngayong madaling araw upang makasikwat ng kahit anong medalya sa nagaganap na 2012 London Olympics.

Pipidal sa track sa Olympic Park ang 25-anyos na si Caluag laban sa 32 daredevils sa one-lap ride time trial para madetermina ang placings sa susunod na stage.

Dahil wala si No. 1 Sam Willoughby ng Australia sa nasabing event ay malaki ang tsansa ni Caluag na makasungkit ng medalya.

Nakasalalay kay Caluag ang makapag-uwi ng kahit anong medalya para sa Pilipinas at para matupad ay kailangan niyang magpakitang gilas sa tatlong rounds kung saan ang best two riders mula sa quarterfinal race ang aabante sa semifinals.

Medyo nabigla si Caluag ng makita ang 400-meter track na pipidalin noon subalit matapos ang kanyang ensayo ay naging komportable na sa kanya ang pista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply