Pinoy ligtas sa lindol sa Iran

KINUMPIRAMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang napaulat na namatay sa malakas na lindol na tumama sa bansang Iran.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Atty. Raul Hernandez, 180 ang naitalang namatay sa dalawang malakas na paglindol sa Iran at iniulat ng Embahada ng Iran na ligtas at walang naiulat na namatay sa mga Pinoy na naroon sa naturang bansa.

Kaugnay ng naganap na insidente, patuloy na minomonitor ng ahensya ang lagay ng tinatayang 1,000 overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa Iran.

Nabati na dalawang magkasunod na lindol kahapon (kagabi sa Pilipinas) ang yumanig sa Iran at nasundan pa ito ng 17 aftershocks.

Tinatayang 60 baryo ang nakaranas ng matinding pinsala sa mga pagyanig at nawalan na rin ng linya ng komunikasyon sa lugar pati kuryente at ilang gusali ang nasira.

Sa kasalukuyang naghihintay pa ng update ng DFA kaugnay sa naganap na insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply