Pipi’t bingi kulong sa pagtangay ng motorsiklo

KULONG ang isang pipi’t bingi habang pinaghahanap pa ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama nito matapos inguso sa pagtangay ng nakaparadang motorsiklo sa Valenzuela City, kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Danilo Sulano, nasa hustong gulang ng San Felipe St., Karuhatan ng lungsod habang pinaghahanap ang tatlong hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang tangayin ng mga suspek ang nakaparadang Yamaha Mio (PN-1727) ni Rubelyn Cruz, 34 habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa De Gula Compound, Karuhatan ng lungsod.

May nakakita naman sa mga suspek habang itinutulak ang motorsiklo papalayo na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis at dakpin si Sulano.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng tatlo pang pinaghahanap na suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply