PISTON bilang partylist, lusot sa Comelec

NAKALUSOT na sa Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon ng ‘Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide’ (PISTON) para tumakbo bilang partylist sa 2013 elections.

Sinabi ni PISTON National President George San Mateo na naaprubahan na ang kanilang applikasyon na isinumite noong Pebrero 29.

Ayon kay San Mateo, bagamat nakuha na ang approval ay pag-aaralan pa ng Comelec En Banc ang kanilang petisyon.

Samantala, binigyang diin ni San Mateo na mahalagang maimbestigahan sa Kongreso ang over pricing ng langis at ang pagbasura sa pagpapatupad sa Oil Deregulation Law.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply