Planong pagtataas ng pamasahe sa tren, sasalubungin ng protesta

NAGBANTA ang grupong Riles Network na sasalubungin ng protesta ang implementasyon ng pagtataas ng pamasahe sa Light at Metro Rail Transit.

Ayon kay Riles Network spokesperson Sammy Malunes, matatandaang ang atinding protest ang mamamayan ang pumigil ng naunang planong taas-pamasahe ilang taon na ang nakakaraan.

Matinding protesta rin ang pangungunahan ng Riles Network kung itutuloy ito sa mga susunod na buwan, dagdag ni Malunes.

Paliwanag ng Riles Network, wala sa lugar ang planong taas-pamasahe dahil hindi naman umunlad ang pang-ekonomikong kalagayan ng karaniwang mamamayan.

Dagdag pasakit umano ang plano ng gubyernong ito dahil hindi naman mapupunta ito sa pagbuti ng serbisyo ng mga tren kundi para lamang masiguro ang tantos ng tubo ng mga bangkong may interes sa mga kumpanya ng tren.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply