Plastic bag bawal na rin sa Pasay

SIMULA sa susunod na linggo, mahigpit nang ipababawal ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng plastic bagas sa mga mall at iba pang pamilihan Sa Pasay City.

Ang ipatutupad na plastic ban ay inanunsyo ni Pasay City Mayor Antonino “Tony” G.  Calixto kaugnay sa implentasyon ng Ordinance No. 4647, s. 2011 simula sa buwan ng Setyembre matapos ang paglaki ng tubig baha sa lungsod dahil sa itinatapon na basura, partikular na ang plastik na bumabara sa mga estero.

Matatandan na ang lungsod ng Pasay ay nagdeklara ng state of calamity nang bahain ang lungsod nito nakaraang lumubog dahil sa bagyon “Gener” at hanging Habagat.

“I would like to remind all owners and operators of various stores and establishments that starting September, the City Government will implement Ordinance No. 4647 Series of 2011 otherwise known as the Ordinance Regulating the Use of Non-Compostable Plastic Carryout Bags and Promoting the Use of Recyclable Paper Carryout Bags and Reusable Bags,” pahayag ni Calixto.

Nakasaad sa ordinansa na lahat ng tindahan ay kinakailangang gumamit na supot na gawa sa papel,carryout bags, reusable bags na pagsisidlan ng kanilang biniling produkto.

Ang sinumang establisimiyento na lalabag sa ordinansa ay bibigyan na paunang babala, papatawan ng halagang P1,000 multa sa ikalawang paglabag at P3,000 naman para sa ikatlong paglabag at ipasasara at kakanselahin ang kanilang Mayors/Business Permit.

“Any store operator who receives a written warning notice or fine may file a notice of appeal to the SWMO Chief within 15 days from receipt of the written warning or fine and the same will be resolved within 15 days from the filing of the said notice of appeal.” nakasaad pa sa ordinansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply