Plunder case vs CGMA, ibabalik sa Ombudsman

ISASAILALIM sa re-investigation ang daang milyong pisong Philippine Charity Sweepstakes Office plunder case ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Lead Prosecutor Dir. Diosdado Calonge, sa kanilang huling nakuhang update, ang kaso ay ibinalik ng Sandiganbayan sa Ombudsman upang muling maimbestigahan ang kasong pandarambong ni dating pangulong Arroyo.

Sinabi ni Calonge na aantayin nila ang pasya ng Ombudsman at itutuloy ang pagbibigay ng mga ebidensya sa Ombudsman para tuluyan itong maibalik sa Sandiganbayan para umusad ang kaso.

Sa kasalukuyan, nasa kritikal pa rin ang kondisyon ni dating pangulo at Congresswoman Arroyo kahit na-discharge na ito sa Makati Medical Center .

Ayon kay Dr. Robert Anastacio, Senior Research and Cardiologist ng Makati Medical Center, kinakailangang ma-operahan agad sa ibang bansa si Gng. Arryo.

Ito ay sa kadahilanang gumalaw ang titanium plate na nakalagay sa cervical spine ni CGMA kaya bumara ito sa kanyang lalamunan.

Ipinaliwanag din ni Dr. Anastacio na kailangan ng iba pang espesyalista tulad ng neuro-physiologist, bio-medical engineers at capable research and development laboratory na hindi available sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply